🧑🍼 Bilang isang Mommy, lagi nating hangad ang kumpletong gamit ng ating mga bagets. Kumbaga, isa sa kasiyahan nating mga Nanay ang makitang kompleto ang supply ng mga bata. Kapag nakikita ko ngang paubos na ang ilang supply ng needs nila, heto na — medyo kabado na si Mommy (ewan ko kung ako lang ba ang ganun 😁).
💸 Sa sobrang mahal ng bilihin ngayon, every piso is mahalaga. Mula noong nagsimula ang pandemya, halos lahat ng bagay ay pwede mo nang makita online at madali mo na rin ito ma-check. Siguro ito ang magandang natutunan ko during the pandemic — nakasanayan ko na munang i-check ang products at prices online. Tinitingnan ko muna kung makakatipid ba ako o hindi.
🫶 Dahil isa akong Mommy, isa sa mga napansin kong madalas na kailangan ng anak ko ay ang Baby Wipes. Maraming mura na makikita online — may 8 pesos pa nga — pero sulit nga ba? Sumubok ako ng ilang mga brand, at dito ko nakita ang hinahanap kong quality at bango ng isang item.
🎉 Malambot ang bawat piraso ng wipes — siguradong walang gasgas si Baby kapag pinunas mo. Mabango, at kumakapit talaga ang bango nito sa balat kaya nakakarefresh. Nabili ko ito sa Lazada sa halagang ₱111, may 6 packs na ako — kaya sa presyo, masasabi kong PANALO!
'Di nga otso ang presyo, pero walang tatalo!
Baby Pal Wipes, ako’y napaibig mo 😅
💕 Sa mga tulad kong Mommy, try this! Baka makatulong sa inyo at sa baby ninyo. Walang masama kung susubok tayo ng bago — baka ‘yung bago na ‘yon ang magdala ng ginhawa at tipid sa atin.
👶 Masaya si Baby, mas masaya si Mommy 🧑🍼
God bless us all. Happy Sulit Shopping, mga Ka-Ina!
God bless us all. Happy Sulit Shopping, mga Ka-Ina!